Wednesday, September 2, 2009

Walang Tamang Pag-ibig na Hindi Nakapaghihintay ni May P. Garcia


“Ang pag-ibig ay isang inspirasyon, hindi dapat maging despirasyon....”
Ikaw, ako, lahat tayo ay nakararanas ng iba't ibang uri ng pamamahal....Ngunit ang pagma-mahal na tinutukoy ko ay tungkol sa napagdadaanan natin ngayon, pagmamahal sa isang tao na maaring maging katambal natin habambuhay....Maliit pa lamang tayo ay nakararamdam na ng paghanga sa ibang tao, maaring artista, kapitbahay, kaklase o iba pa. Ngunit ang paghanga ay nagbabago, napapalitan at minsan ay naglalaho..
Ngiti at saya ang hatid ng tunay na pag-ibig. Nagbibigay ito ng sigla at nakababawas ng suliranin sa tuwing nakikita at nakakasama natin ang taong nagpapatibok ng ating puso. Subalit hindi maiiwasan ang iba't ibang uri ng pagsubok....Pagsubok na hahamon sa katatagan ng isang relasyon.
Tiwala at pagiging tapat sa bawat isa ay mahusay na pundasyon upang higit na maging matibay at mayabong ang samahan. Nakatutulong ito sa pagtupad ng pangarap ng dalawang taong nagmamahalan..
Sa paglipas ng panahon, relasyon ay tumatagal, subalit tuksong makasanlibutan ay pilit nanlalaban.... Paano nga ba ito malalampasan, kung hindi pa tamang panahon upang ito ay pagsaluhan?
Mga kabataang tulad ko, batid ninyo ang ibig kong sabihin. Kaya't kung ang pag-ibig ay sadyang tunay, tuksong hindi pa dapat ay kaya nitong labanan....Kung ang isang tao ay tapat na nagmamahal, kung siya ay totoo at handang magsakripisyo, mahabang panahon man ang lumipas siya ay makapaghihintay...
Kung kaya't ako ay naririto sa inyong harapan, nagsasabing “huwag natin ipagpalit ang sandaling sarap sa habangbuhay na paghihirap...”, may tamang panahon para sa lahat ng bagay...

No comments:

Post a Comment