Tuesday, September 1, 2009

Bagong taon Bagong pag-asa nasa iyo at wala sa iba

Ang nakaraan ay tapos na, at ang para sa kinabukasan ay pinaghahandaan. Upang magkaroon ng katapusan ay kaylangang may masimulan” Tsk! Tsk! Booom! Manigong Bagong Taon!!=) Kaugalian na nating mga Pilipino na sa tuwing sasapit ang bagong taon maraming sinusunod na pamahiin lalo na ang palasak na “fung shui”=) o ang mga paniniwala ng mga Intsik. Alinsunod ang ilan sa mga nasasaad dito sapagkat nais daw nilang maging maganda nag pasok ng swerte sa kanilang bagong taon. At hindi rin sila magkanda-ugaga sa kaka-ayos at kakalipat ng kani-kanilang mga kagamitan upang daw mapanatili ang swerte sa loob ng kanilang mga tahanan. Kakat’wang isipin na sa pananaw ng iba tayo’y naniniwala, na sa mga sinasabi nila atin itong ginagawa kaya naman namulat ang ating isipan na nagmumula sa iba ang ating ikagiginhawa, pero hindi ba’t ang mga bagay na nangyayari sa atin ay dala ng ating mga ginawa na siya rin namang ating kagustuhan? Uhmmm.. sumipi tau ng isang sitwasyon, ikaw ay napariwa sa buhay, sayo ang buhay ay wala ng saysay, ano pang silbi ng taong darating kung ika’y praning na rin?. Magsuot daw ng mga bagay na hugis bilog, ayon sa iyong basehan na “fung shui” at “ pala ikaw di malas ikaw lagay halaman tabi iyong pituan”. Kung bakit, maaari namang ikaw mismo ang siyang gumawa ng paraan!. May kanya-kanya tayong pinaniniwalaan. Mga kaugaliang nakasanayan na sa nakaraan na dulot ay wala namang katuturan atin nang kalimutan. Huwag isiping iyan ay sadya ng nakalaan. Ikaw ay may sapat na kakayahan upang magsagawa at maisakatuparan ang iyong mga kagustuhan. Wika nga “new years resolution”, ngayong bagong taon, ang pagbabagong nais mo ay nasa sa iyo.=) Habang may buhay may pag-asa.. Iyong pagnilay-nilayan ang salawikaing ito, at iyong mapagtatanto na buhay ay ikaw at iyong matatamo ang sagot sa tanong na ito.. Ni minsan ba sa buhay mo naisip mo na ang pag-asang hinahanap mo ay hawak mo?.. Alam mo na kung anong dapat gawin dito.=)

No comments:

Post a Comment