Thursday, September 3, 2009

Pag-ibig ano nga ba?at Saan nga Ba Nagmula? ni Niña Anne Basco


Marami sa atin ang hindi batid ang tunay na kahulugan ng salitang pag-ibig.

Ngunit saan nga ba ito nagmula?Paano ito nabuo? Sino ang unang nakadama nito? Ilang mga katanungan na gunugulo sa ating mga kaisipan.



Bawat tao na nabubuhay sa mundo ay nakadarama ng tinatawag nating pag-ibig. Pag-ibig sa kapwa, pag-ibig sa ibang bagay at higit sa lahat pag-ibig sa Diyos. Simula ng tayo’y lalangin ng Diyos doon natin naramdaman ang kanyang unang pag-ibig. Hanggang sa isakripisyo niya ang kanyang sariling buhay para sa ating mga kasalanan.



Maraming kahulugan ang salitang Pag-ibig ngunit para sa ating panginoon “Ang pag-ibig ay magandang-loob, hindi hinahanap ang kanyang sarili,hindi nayayamot. Hindi nagagalak sa kalikuan kundi nakikigalak sa katotohanan. Lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis. At higit sa lahat ang pag-ibig ay hindi nagkukulang kailanman.”



Tunay nga na wala ng makahihigit pa sa pagmamahal niya sa atin. Siya nga ang una at huli nating pag-ibig. Na magbibigay saya sa ating buhay kailanman.

3 comments:

  1. hmm naks mukang inspired a?hahahaha
    mganda xa..gud job!!!

    ReplyDelete
  2. tamaaah nga aman ung cnv u.,.,
    xah ang unang nkdama nun kc xah ang lumikha stin.,.,gud job gUrl.,.,.

    ReplyDelete