Wednesday, September 2, 2009

PANGARAP NG ISANG SIMPLENG TAO
ni JAY-ANN S. TALABIS

Ako, simpleng tao lang, simple, pero malaki ang pangarap sa buhay. Pangarap na masuklian ang ibinibigay ng aking mga magulang, kahit na hindi lahat naibibigay, masaya parin ako.

Nung ako ay bata palang mura pa ang isip, wala pang gasinong alam sa mundo. Wala pang naiisip kung anu ba ang magiging propesyon ko, at kung anu ba ang mararating ko kapag ako’y lumaki na. Subalit ngayon akoy malaki na, marami akong pangarap na gustong abutin. Kaya sinusunod ko lahat ng payo at pangaral ng aking mga magulang. Kapag sinabi nila na bawal yan sinusunod ko naman, siyempre alam ko na para sa akin din ang kanilang sinasabi.

Kaya maraming salamat sa mga taong nagmamahal at nagtitiwala sa aking kakayahan. Dahil kayo ang nagsisilbing inspirasyon ko sa araw-araw at nagbibigay tatag ng aking kalooban. Na sya ko ring hinuhugutan ng tapang upang maabot ko ang aking mga pangarap.

MARAMING SALAMAT PO!!!

6 comments:

  1. maganda ang talumpati na ginawa mo dahil mula ito sa sarili mong nararanasan.ipagpatuloy mo ang magandang simulain sa buhay para matupad mo ang pangarap mo pagdating ng panahon.natutuwa ako sayo dahil di ka nakakalimot sa magulang mo.Magiging inspirasyon din yan sa mga tulad mong estudyante na ipagpatuloy ang pa-aaral kahit kulang sa ibang bagay.. GOD BLESS

    ReplyDelete
  2. wow naman ang ganda ng talumpati..
    tama dapat kahit medyo kulang sa ibang bagay GO pa rin..
    nung binasa ko talumpati mo talagang mula sa puso ang pggawa mo kaya masarap basahin.

    ReplyDelete
  3. yes you can!!! tama na sumunod ka sa payo ng mga magulang mo, at abutin mo kung anu ang pangarap mo... maganda ang layunin mo sa talumpati mo kaya ipagpatuloy mo lng lahat ng mga sinimulan mo sa buhay..

    ReplyDelete
  4. maganda ang iyong talumpati, maging huwaran ka sa mga kabataang hindi marunong sumunod sa mga magulang..matupad sana ang lahat ng yong pangarap.. maging kontento ka sa lahat ng bagay.. God Bless

    ReplyDelete
  5. Very inspiring. Ipagpatuloy mo ang paggalang at pagsunod sa iyong magulang dahil may reward yan pgdating ng araw. GODBLESS!

    "Honor your father and mother—which is the first commandment with a promise— that it may go well with you and that you may enjoy long life on the earth." Ephesians 6:2-3

    ReplyDelete
  6. may your parents honor you.....
    nakarelate ako.ipag patuloy mo ang nasimulan mo

    god bless

    ReplyDelete