Kabataan: Noon at Ngayon
ni: Mary cris O. Estrella
Sa aking pagmamasid,marami ang pinagkaiba ng kabataan ngayon sa kabataan noon. Noon ang mga kabataan ay simple lang manamit at simple lang kumilos. Pagkagaling nila sa eskwelahan sila ay dumideretso na agad sa kanilang bahay upang tumulong sa kanilang magulang.
Ang iba ay nagtitinda upang may mabaon kinabukasan. Samantalang ang mga kabataan ngayon ay maraming bisyo. Tulad ng pag-iinum,paninigarilyo. Sila ay nagiging mapusok sanhi ng pagkasira ng kanilang buhay.
Merong nakakapag asawa ng maaga at hindi na nakakapagtapos ng kanilang pag-aaral. Dahil na rin sa mga makabagong teknolohiya na ating ginagamit tulad ng computers. Ang mga kabataan ay naadik sa computers.
Isa sa mga nakakasira sa buhay ng isang kabataan ay ang pagkakaroon ng kasintahan na hindi alam ng kanilang mga magulang. Kung inyong iisiping mabuti ang laki ng pinagkaiba ng mga kabataan noon sa kabataan ngayon sanhi na rin ng mga makabagong teknolohiya ngayon.
No comments:
Post a Comment