Thursday, September 3, 2009

Sino and dapat sisihin?..ni Erika Mae C. Ferrer








SINO ANG DAPAT SISIHIN?

Sa paghihirap ng mamamayan, sino ang dapat sisihin ? Ang TAO o ang PAMAHALAAN? Ang ganitong sitwasyon ay naganap na mula pa noong tayo’y sakop ng mga dayuhan. Kay raming hirap, pagtitiis, pakikibaka ang nararanasan ng ating ninuno.


Habang nabubuhay tayong lahat may pag-asa tayong makamtan ang ating mga pangarap at mithiin sa buhay. Nais ba talaga ng bawat isa na umunlad? Bakit sa panahon natin ngayon habang tumatagal, ang mahihirap ay lalong naghihirap? Tuluyan ng nawala ang disiplina ng bawat isa. Patuloy na lamang tayo naliligaw ng landas na tinatahak. Ang ilan sa atin ninais pa ang buhay na walang katuturan. Ang pagiging tambay hindi lamang ng mga kabataan kundi pati na rin ng mga matatandang may kakayahang magtrabaho. Tama bang danasin ang ganitong klase ng pamumuhay? Malimit sa mga kabataan ngayon, uso ang salitang “PMA” o ang “Pahinga muna anak”. Paano na ang edukasyon, di ba ito ang paraan upang umunlad ang ating pagkatao at gayundin ang ating buhay?. Marami sa mga lansangan ang mga pulubing patuloy na lamang umaasa sa ibang tao. Bakit pa sila nagtitiis sa kalagayan nilang iyon, dulot ba ito ng sobrang kahirapan? Kailangan bigyan natin ng halaga ang ating pagkatao. Ipakita natin na kaya nating mabago ang bagay na patuloy na nagpapagulo sa ating buhay. Sa kabilang dako, marami pa rin ang mga kabataang nagnanais na makapagtapos ng pag-aaral. Hindi hadlang ang kahirapan ng buhay. Natutugunan nila ito dahil sa mga oportunidad tulad ng pagiging iskolar at pagiging “working student”.
Ang ilan sa kanila ay kahit sa musmos na edad ay nagagawang makapaghanapbuhay para lamang makatulong at matupad ang layunin sa buhay.


Sa ating pamahalaan, lahat ba ay masasabi nating nagseserbisyo ng totoo? Sa una , maraming mga pangako ang mga naririnig tuwing eleksyon. May mga nangyayari ba kapag ang iba sa kanila ay may posisyon na? Siguro oo, ngunit hindi lubos na natutupad, patuloy na lamang tayo umaasa sa wala. Ang bawat responsibilidad ay dapat panindigan at bigyang halaga dahil dito nakasalalay ang ating kinabukasan. May ilan din ang mga patuloy na nang-aabuso. Ang mga isyung pangkukurakot, pagkamkam ng lupain at pambubusabos. Sariling kapakanan lamang nila ang kanilang iniisip. Ipinapakita lamang nito na malaya na nila nagagawa ang lahat ng kanilang gusto dahil sila’y may kapangyarihan na. Ngunit hindi lahat ay ganito, mayroon pang mga opisyal ang malaki ang naitutulong sa atin. Sila ang kaagapay natin sa pagpapatupad ng mga batas at layunin upang mapaunlad ang bawat isa. May mga programang ipinapatupad ang pamahalaan na tumutulong sa atin upang magkaroon ng mga pagbabago sa mga maling sistema. Tunay na hindi madali ang pagkakaroon ng isang posisyon na magsisilbing sandigan ng bawat mamamayan.

Tandaan natin na ang bawat isa ay may pananagutan sa isa’t-isa. Tungkulin ng tao na kumilos at gumawa para sa ikagaganda ng kanyang buhay at tungkulin ng pamahalaan na bigyang proteksyon ang mga nasasakupan nito.



















7 comments:

  1. nice work. :)

    PMA nga kadalasan. :)
    pero hindi dapat mawalan ng pagasa.
    madami ngayong kurakot kaya lalong naghihirap ang mga tao.:)


    geh. take care. :)

    ReplyDelete
  2. ayox ah! ganda ng ginawa mong topic..
    may talent..

    hahaha. gud. nag enjoy ako..

    g:luck

    ReplyDelete
  3. .,' nice one!
    ganda! makatotohanan!

    sa panahon ngaun, marami nah talaga ang naghihirap...pero hindi pa rin mailalagay ang sisi sa pamahalaan, totoong ang mga namumuno sa ating bansa ang may malaking impluwensya sa kahirapang lumalaganap ngayon,pero kung susuriing maiigi nasa mga tao o mamayan pa rin ang malaking pursyento ng sisi, dahil na sa kanila pa rin ang pagpupursige kung gusto nilang umangat sa buhay.

    ReplyDelete
  4. hayz..

    tama tama.. Bakit ba nmn kc ung mga nakaupo sa MATATAAS na TRONO ung mga nagpapahirap ii.. Dapat cla tong tumutulong.. Para bang pinapakain pa natin sila imbis na tayo ung pinapakain nila. Ginagawa lng nila tayong mga BOBO!! hay nako. MATAMAAN ka nmn ohh.. haha:))

    neweiz..
    nice work..
    :))

    ReplyDelete
  5. tama ka jan. madami talagang kabataan na PMA.. madami din namang mga pulitiko na nangungurakot.. imbis na gmitin nla ang pera para sa libreng pag papaaral sa mga kapos palad. ginagamit nla ang pera ng mamamayan para sa sariling interes..

    good job.. :)

    ReplyDelete
  6. nice one.

    I think tama ka sa mga PMA. Hindi nila iniisip ang kinabukasan nila. Sila ang mga kabataang walang pangarap sa buhay. Kung meron mang pangarap ito lng ay ang mabuhay sa mundo kung saan gusto lng nilang makuha ang mga luho nila. At hindi nila iniisip ang bukas kung sa pagtanda nila ay may nakalaan na trabaho o oportunidad na nakalaan sa kanila at kung mabubuhay pa sila na laging puno ang tiyan (:

    Next Topic:

    Dapat maalis na yang mga kurakot na pulitiko. Di ba nila alam na pasira sila sa image ni Inang Bayan. Di nila naiisip yung mga taong nghihikahos at hindi man lang sila maging bukas palad.
    .....Isa silang mga PALALONG na pulitiko!!!!

    Live''ok toh... natuwa ako hahaha
    makatotohanan ang mga ito. nice and goodluck!!! ((:

    ReplyDelete
  7. nice one!!!!!!!!!!!!!!!
    kasalan natin din ng mga mamayan dahil pinipili nila o binoboto yung mga kandidato na walang alam kundi mangurakot sa kaban ng bayan!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete