Wednesday, September 2, 2009

Kahapon,Ngayon, at Bukas
ni Mark Anthony P. Villegas

Kahapon, ako ay naging isa sa mga estudiyante ng paaralang sekondarya ng PEDRO GUEVARA MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL. Isang estudiyanteng masasabing tama lang, kung baga. Bakit tama lang? Marahil tama lang, kung ako ay makisama, nakakapasa kahit mayroong konti pero di-gaanong bagsak, tama lang sa paggagala, at mahusay na tinatamasa ang buhay ng isang estudiyante sa sekondarya. Dahil sabi nila, ito daw marahil ang pinaka masayang parte sa pag-aaral ng tao. Ngunit sa panahong iyon ko napag-isipan, na gusto kong ituloy ang aking pag-aaral at pumili ng sariling larangan ng trabaho na aking tatahakin sa pag dating ng panahon.

Ngayon, naisakatuparan ko ang naisin kong ipag-patuloy ang aking pag-aaral, mula sekondarya paangat ng kolehiyo. Nasa akin ang sabik at takot kung ano nga ba ang buhay ng isang estudiyanteng nag-aaral sa kolehiyo. Sa pagtagal ng panahon ng aking pag-aaral dito ay aking napagtanto na umaakyat na pala ako sa hagdan ng aking kapalaran. Na ang hindi pag-seseryoso ang maghahatid sa akin sa pag-bagsak mula sa umpisa at ang dugo at pawis na pinagpaguran ng aking mga magulang ay masasayang. Na aking hindi hahayaang mangyari.

Bukas, marahil ay nasa itaas na ako nang aking pangarap lahat ay aking ipagpasalamat sa aking mga magulang. Ito ay aking sisiguraduhin baon ang lahat ng natutunan at matutunan pa mula sa noon, ngayon patungong bukas. Maraming salamat po.

3 comments:

  1. nakakatuwa ang talumpati na ginawa mo kasi kinuha mo sa sarili mong nararansan.ipagpatuloy mo ang magandang simulain mo para matupad mo ang mga gusto mo sa buhay..
    Maayos ang mga salita ng talumpati at ngpapakita ng pagmamahal sa magulang.magiging inspirasyon din ito sa ibang estudyante na magsikap sa pag-aaral kahit kulang sa mga ibang bagay na pangangailangan.
    GODbless...

    ReplyDelete
  2. sadyang maganda ang iyong talumpati
    dahil isa rin akong studyante nakakarelate ako dito sana ay ipag patuloy mu yan!!!!

    ReplyDelete