KAMALAYAN NG BANSA
ni Daisylyn C. Adefuin
Kung ating babalik-tanawin ang kalagayan noon ng ating bansang Pilipinas ay mamamasdan natin ang angkin nitong kariktan. Noon, ito’y tirahan ng mga Pilipinong ganap ang kalayaan, isang bayang lubos na pinagpapala at tunay ngang sagana, isang lipunang pinamumunuan ng mga tapat na nanunungkulan, at isang bansang umuunlad kaya’t ipinagmamalaki ng lahat. Masakit mang isipin ngunit ang Pilipinas ngayo’y ibang-iba na rin. Ang ating bansa ngayo’y salamin ng isang bansang bilanggo ng mga taong silaw at gahaman sa salapi, ng gobyernong corrupt at karaniwa'y mga tiwali, at pamahalaang sinasaklaw maging ang karapatan ng mamamayan. Ang ating pamunuan ngayo’y di na rin magkaunawaan at ang mamamaya’y . . .heto, at sadlak sa kahirapan. Ang taong –bayan ay inip nang makahulagpos sa posas ng kasakiman at rehas ng kahirapan.
Ang palasak sa ating lipunan ay ang kawalan ng malasakit ng mga may kapangyarihan sa kapakanan ng sinasaklawan sapagkat sa kanilang pamamalakad nakasalalay ang ikabubuti o ikasasama ng bayan nating mahal.
Bakit nga ba kay raming mapagkunwari? At tayong mamamayan ang laging biktima at api? Oras na upang hubarin ang maskarang bumabalot sa pagkatao ng mga buwaya. Panahon na upang ipanuto ang ating pamahalaan. Tayo’y hindi mga bulag upang di makita ang naghihirap na kalagayan ng ating bayan, at hindi rin tayo mga bingi upang di marinig ang humihibik na tinig ng ating lipunan.
Hindi ba’t taglay natin ang pambansang kamalayan? Na tayo’y nagmamalasakit pagkat ramdam natin ang kadahupan ng ating bayan? Lalo’t higit tayong mga kabataan—ang henerasyong hahalili sa mga tungkulin at hahawak sa kinabukasan ng ating lipunan. Nararapat lamang kung gayon na ipaglaban natin ang ating karapatan. Huwag tayong maging mangmang at maakit sa pain ng mga mandarambong na kandidato ng nalalapit na halalan. Tatanggapin mo ba ang alok nilang regalo na katumbas ay sandaling sagot sa’yong pangangailangan kung ang magiging kapalit naman nito’y ang nag-iisa subalit napakahalaga mong boto na ang katumbas ay ang iyong paghihirap kung siya ang mahalal at magkaroon ng mahabang termino? Mga kababayan ko, huwag tayong padaig sa masama nilang hangarin at magpalinlang sa pakitang-tao nilang katauhan.Magpakatatag tayo at patunayan ang ating pagiging makabayan.
Humaharap tayo ngayon sa hamon ng kinabukasan. Sa pagpili natin ng panibagong manunungkulan nakasalalay ang kahahantungan ng ating bayan.Hangad ko na sa nalalapit na halalan ay mailuklok natin sa tamang posisyon ang mga taong magsisilbing hiyas na magbabalik ng kaningningan sa ating lipunan. Pagkat sa mahaba-habang panahon ng ating pagkakasadlak sa putik ng kahihiyan ay naniniwala ako na kapwa tayo nag-aasam na muli, ay mahahalimuyak tayo sa masamyong amoy ng kaunlaran, katiwasayan, at pantay-pantay na karapatan.
Isapuso at ipaglaban natin ang pambansang kamalayan!
mahusay ang pagpili ng mga salita. nababagay ang talumpating ito sa panahon ngayon para mamulat ang mga kabataan tulad namin sa katotohanan, na hindi lahat ay nararapat para manungkulan. sana ipagpatuloy mo pa ang pag gawa mo ng mga ganito para sa hindi maligaw ang mga kabataan.
ReplyDeletetanggalin natin ang tao sa pangil ng buwaya.
more powers.
wow nmn humuhusay p lalo ahhh
ReplyDeletekip it up
^_^
tc olweiyz
mganda ang ung npling italumpi..
ReplyDeletedhil dto mrming mga kbtaan ang mkaka unwa ng khalghan ng knilang pg boto...
at maari p tayung mkluklok ng tama at tpat n
pnuno ng ating bansa....
magaling,maganda sna pgptuloy m pa ang mga gnyang gwain....
napakaganda ng ginawa mong talumpati. . akmang-akma sa panahon natin ngayon. Dapat nating ipamulat sa ating mga kababayan ang kahalagahan ng pagboto.
ReplyDeleteMahusay! Sana ay makagawa ka pa ng maraming talumpati.