ANG AKING TAGUMPAY
ni Jess S. Lopez
Ako, isang simple at masiyahing estudyante,Puno ng pangarap at mithiin sa buhay,Na kahit hindi man nabigyan ng maranyang Buhay, sa pagmamahal namay hindi kami Nagkulang. Ngunit sa aking murang kaisipan Kahirapan ng buhay ay aking nalaman.
Maraming pagsubok ang sa ami’y dumating,Naranasan namin ang hindi pumasok sa Eskwelahan,ang matulog ay hindi manlang Nalalamnan ang tiyan at ang magtipid ng Sobra-sobra, at ang mga dahilan nito Ay ang kakapusan sa salapi. Kung kaya ng Ang aking ama’y mabigyan ng magandang Opurtunidad sa ibang bansa, hindi siya Nagdalawang isip na ito’y tanggapin kahit Na alam niya na ang kapalit nito ay ang Mapalayo sa kanyang mahal sa buhay.
Sakit at hapdi sa aming puso’y pilit nilabanan, Dahil mapalayo sa Mahal sa buhay ay tunay Na hindi madali, ngunit bago umalis Ang aking ama iniwan nya sa amin ang ilang Bagay''Kaya ko ginawa ito para sa inyo, Para mabigyan ko kayo ng maganda At maayos na buhay, dahil Mahal na mahal ko kayo,”At kahit na mahirap at masakit mas pinili ko parin Na maging matapang at Huwag ipakita sa kanya Na mahirap para sa amin ang wala sya,Kahit sobrang sakit dito sa puso ko Ang mapalayo sa kanya.
At ngayon kapag aking naaalala ang mga pagsubok Na pinilit nilampasan, hindi ko maiwasan ang magalak,Dahil natutunan ko kung pano ko malalampasan ang mga Pagsubok pa na dadating, kung kaya sa Sobrang pagkagalak mumunting luha sa aking mga Mata’y gustong kumawala at maging Malaya, parang Isang puting ibong malayang nakakalipad Saan man gustuhin.
ang tapang mo.belive ako sau.........
ReplyDeletemay god bless you