Wednesday, September 2, 2009
"Ako,Bilang isang mabuting Anak":Ni Ginnie Anne S.Bleza
Talaga…ako’y isang Anak bunga ng Pagmamahalan ng mga nilalang na nagmahal at Nag aruga sa akin.Ang aking mga magulang.Dahil sa pagmamahal na ito naging ganap akong kabataan.kabataang mulat sa katotohanang ako'y may halaga bilang isang kaanib ng aming masayang sambahayan.Sinasabing ako’y siyang aliw ng tahanan.sa maraming pagkakataon napapangiti ko ang nalulungkot kong ina sa kanyang labis na pag aalala.Sa katabilan ko’tmga bagong pulot na salita sa paaralan bunga ng pakikisalamuha ko sa mga kalaroay napahahalakhak ko si Ama kung siya’y labis na pagal sa maghapongpaghahanapbuhay.ako’y isang anak . . . anak na magiging gabay ng mgamagulang sa susunod na saling-lahi. Anak na gabay, pag-asa at ligaya ngtahanan. Paano ako magiging gabay kung hindi ako magsisikap sa aking pag-aaral,kung ako’y magpapabaya sa aking sariling kalusugan, at hindi gaganap sa mgatungkulin sa aming tahanan? Magiging bigo ang aking mga magulang at kapatid saakin, kung di ko magagampanan ang mga tungkuling iniaasa sa isang anak. Ang bawat magulang ay nakadarama at nakababatid ng tungkulin niya nabigyan ng sapat na edukasyon ang anak. Sa katotohanan pa nga ay inaasam nilaang pinakamataas na antas ng karunungang maipagkakaloob sa anak. Bilang isanganak, mainam naman na huwag ko silang biguin sa mga pangarap nila sa akin sapagkatito ang ang magbibigay sa kanila ng labis na kaligayahan. Bilang isang mabuting anak, ako ay naghahangad din na makaabot ng mataas napinag-aralan upang makatulong naman sa kapwa ko, lalo na sa mga kapatid ko. Angpagsisikap kong ito ay magsisilbi man lang na inspirasyon nila tulad ng naginginspirasyon ko mula sa mga magulang ko. Umaasa ako na hindi magiging malayo angaking minimithi sapagkat ako’y hindi nag-iisa sa pagtahak ng landas tungo rito,sa tagumpay na inaasam ko.kaya kayo!at Di lang ako..lahat tayo! pahalagahan natin ang pagiging isang anak.at maging mabuting anak sa ating mga magulang.Dahil tanging sila lamang ang gagabay sa atin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
>>>>>> JAY ZESAR ALFONSO NG COLLEGE OF ENGINEERING GE-ID<<<<<<:
ReplyDeleteMAGANDA ANG IYONG TALUMPATI......SANA MAKAGAWA KA NG IBA PANG MAGAGANDANG TALUMPATI PARA SAYONG KINABUKASAN........HALOS LAHAT SA INYO AY MAGAGANDA ANG TALUMPATI.....BINABATI KITA SA IYONG GINAWA SANA IPAGPATULOY MO ITO.....TAKE CARE GOD BLESS...
..maganda naman poh talumpati moh..
ReplyDelete..sana poh makagwa k pa ng marami!!
..sana nga poh mging isa kang mabuting anak!!^^
--tin--^^
maganda ang nasabing talumpati....ang mga salita ay may kahulugan.....ang ganda ng Ako,bilang isang mabuting anak kasi ito ay sumasalamin sa bawat anak sa mundo....sana gumawa ka pah ng mga talumpating sumasalamin sa isang anak at isang kabataan....iyon lang at hangad ko ang iyong tagumpay......
ReplyDeletekeep up the gudwork....
ReplyDeleteok yan huh...
ang gnda ng gwa mu huh....
-Marjhon
nice
ReplyDelete