Wednesday, September 2, 2009

"MAGBAGO PARA SA PAGBABAGO" ni Arra Jane Juridico


Rally doon, rally dito! Maraming tao ang humihingi ng pagbabago sa gobyerno, bagong sistema ng pamamahala, pinuno na susi daw ng pag-unlad ng ating bayan. Bagong pamamahala?na hindi naman sigaurado kung epektibo. Bagong pinuno na hindi mo alam kung ano ang tunay na layunin sa pamumuno. Oo nga't dapat natin itong ipagsapalaran dahil maaaring sa pagpapalit na pamamahala at pinuno ay umunlad at makipagsabayan ang ating bansang Pilipinas sa iba pang mauunlad na bansa.Ngunit ikaw? Naisip mo bang magbago para sa iyong sarili?sa iyong kapwa?sa iyong bansa?Ano ba ang mangyayari kung bago ang pamamahala ngunit ang nasasakupan nito ay walang pagbabago? Tulad sa isang paaralan na mayroong magagaling na guro, maayos na pamamahala at mahigpit na batas ngunit may mga estudyanteng walang interes sa ginagawa, hindi nasunod sa mga batas at maging sa diskusyunan sa klase ay hindi nakikiisa, sa tingin mo ba may pag-unlad? WALA! Dahil ang pag-unlad ay nakasalalay sa mabuting pagbabago ng nasasakupan nito. Makisabay tayo sa pagbabago at pag-unlad ng mundong ating ginagalawan.Ang lahat ng bagay sa mundong ito ay panandalian lamang. Ang tanging permanente ay ang pagbabago. PAGBABAGO NA MAGSISIMULA SA IYO!

No comments:

Post a Comment