Bakit nga ba maraming kabataan ngayon ang naliligaw ng landas? Ano kaya ang kanilang dahilan kung bakit sila nagkakaganito?
Maraming kabataan ngayon ang naliligaw ng landas.Ang iba ay nalululong na sa ipinagbabawal na droga na sumisira sa kanilang kalusugan at kaisipan. Ang iba naman ay naaadik na sa pagiinom, paninigarilyo, at kung minsan pa nga’y sumasali sa mga walang kwentang grupo o fratenity. Madamidin mga kabataang babae ang nabubuntis at iniiwan lamang ng mga lalaking nakabuntis sa kanila.
Ang magulang ng mga ito ya hindi nila ginagabayan ang kanilang mga anak kaya napapariwara ang mga kabataan ngayon. Pinapabayaan lang nila ang kanilang mga anak na mag droga, manigarilyo, maginom at sumali sa mga fraternityna alam naman nila na ito’y makakasira lamang sa kanilang buhay.kaya ang ibang mga kabataang ito ay imbis na mag-aral sa paaralan, ay naliligaw nila ang kanilang buhay sa maling landas.
Dapat inaaksyonan din ito ng ating Gobyerno na pagtuunan din nila ng pansin ang ating kabataan na maituwid ang kanilang buhay. Ipahuli nila ang mga nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot na ipinagbebenta sa mga kabataan
Sa kalagayan ng mga kabataan ngayon ay masasabi kong maaaring walang kinabukasan ang ating bayan kung ganito karamihan ang mga kabataan ngayon.
No comments:
Post a Comment