Wednesday, September 2, 2009



Pangalawang Pagkakataon
ni: Mary Grace Lalaine Lee

Narito ako muli sa eskwelahan upang muling mag-aral. Upang makapagsimula ulit at marating at makuha muli ang pangarap na nabigo kong pagtagumpayan. Ito ay ang maging successful at magkaroon ng matatag na trabaho. Bagamat itoy nakamit ko na, sa kadahilanang akoy naging ina, ang aking nasimulang adhikain ay naputol. Ngunit ang pagiging isang ina ko ay hindi naging hadlang upang muli ipagpatuloy ko ang pag abot sa mga pangarap ko,kundi ito'y nagsilbing inspirasyon upang ipagpatuloy para sa kinabukasan ng aking anak.

Ano mang pagsubok na dumating, ito'y hindi dapat maging hadlang sa pagtupad ng ating mga pangarap sa buhay, meron tayong pangalawang pagkakataon upang ito'y ating maabot. Kailangan lang natin gamitin ito sa tama, ng may lakas ng loob harapin ang bukas at pagseryoso upang makamit na ang magandang buhay na nais natin.

No comments:

Post a Comment