Tuesday, September 8, 2009





Ito ay isang bagay na hindi inaasahan.minsan hindi mo akalaing dadating sayo.




Sabi ng iba masaya umibig lalo na kung mahal ka rin ng taong mahal mo.pero hindi laging masaya,dahil kung minsan hindi kayo parehas ng nararamdaman.pero kung nabigo ka sa una,wag kang malungkot,kasi may dahilan naman kung bakit.siguro ay hindi talaga kayo para sa isa't isa.





Minsan ito ay nagsisimula sa simpleng "hi"'hello"tapos magbibiruan,hanggang sa lumalim ang pagiging close,hanggang sa mahulog sa isa't isa.hanggang sa pumasok sa isang relasyon.may iba nagiging masaya hanggang sa huli.pero hindi lahat.pero ating tatandaan na ang totoong pag-ibig ay nakakapag hintay.

PAG-IBIG

Ito ay isang bagay na hindi inaasahan.minsan hindi mo akalaing dadating sayo.




Sabi ng iba masaya umibig lalo na kung mahal ka rin ng taong mahal mo.pero hindi laging masaya,dahil kung minsan hindi kayo parehas ng nararamdaman.pero kung nabigo ka sa una,wag kang malungkot,kasi may dahilan naman kung bakit.siguro ay hindi talaga kayo para sa isa't isa.





Minsan ito ay nagsisimula sa simpleng "hi"'hello"tapos magbibiruan,hanggang sa lumalim ang pagiging close,hanggang sa mahulog sa isa't isa.hanggang sa pumasok sa isang relasyon.may iba nagiging masaya hanggang sa huli.pero hindi lahat.pero ating tatandaan na ang totoong pag-ibig ay nakakapag hintay.

TAGUMPAY TAYO






Likhang magandang araw sa inyong lahat. Isang pagbati at hatid kong maaliwalas na umaga/tanghali/hapon sa lahat. Likas na mabuti ang diyos sa pagbibigay ng lakas ng loob at sapat na karunungan upang maging isang indibidwal na tagapagsalita at amulat ang inyong kaisipan na lahat tayo ay tagumpay.




Nilalang tayo ng diyos upang gamitin ang ating buhay ayon sa iba't-ibang aspeto nito. Ito ang pagsigaw at pagbato ng hamon sa bawat isa . Paano nga ba tayo uunlad, matatamo ang katagumpayan at kasaganahan?. Ibig kong kumulos tayo at sabay sa panahong imulat ang kaisipan sa pagbato ng hamong ito.



Hindi hadlang ang kahirapan upang maabot anag katagumpayan , bagkus isiping ito ay bahagi upang maabot at matamo ang tagumpay. ayon nga sa mga bitaw na salita "HINDI KASALANANG MAGING MAHIRAP, ITO AY KASALANAN KUNG MAWAWALA KA AT PAPANAW SA MUNDO NA MABABA ANG ESTADO NG BUHAY." Hindi rin naman magandang iangat ang sarili sa iba, sapat ng tagumpay ka, ngunit patuloy na nakatapak ang iyong paa sa lupa at patuloy na may pagkababa. Ito ay magandang sangkap sa katagumpayan.



Pinanghahawakan natin ang susi sa pintuan ng katagumpayan. Mga baitang ng hagdan na tatapakan tungo sa tuktok ng tagumpay. Mga bintana na tulad ng pusong tuloy na nakabukas upang ibahagi ang natatamasa. At maging ang mga hardin na puno ng pamumulaklak ng kasaganahan at kauunlaran sa buhay.


"Isang pasasalamat sa mga matuwid na salita mula sa taong haharap sa KATAGUMPAYAN!"


MARAMING SALAMAT!!!!!

Monday, September 7, 2009

Joyra Ablir


KAIBIGAN,PAG-IBIG ATBP;”



Pakiramdam ko talunan ako, sa lahat ng bagay
Pagdating sa paghanap ng kaibigan,pag-ibig atbp.

Oo nga’t marami akong kaibigan
Pero sa una lang ang lahat ng ‘yon
Habang tumatagal,ay nawawala rin sila
Pa ulit-ulit ko mang isipin,
“Meron ba kong nagawang mali?”
Gusto ko mang sisihin sarili ko,
Pero wala talaga kong maisip na dahilan,
Isa lang nasa isip ko,
Siguro ay ayaw lang nila talaga sa ugali ko.
Hindi ko sila masisisi.
Dahil “kung ano ugali ko sa una,
Ay hindi ganon ang ugali ko hanggang huli”.

At sa pag-ibig hindi lahat tayo
Nararanasan lahat ang maging masaya.
May pagkakataon na,
Nasasaktan rin tayo.
Pero huwag nating iisiping,
Nagmahal tayo ng tahttp://www.blogger.com/img/blank.gifong walang halaga.
Dahil kung wala ang nakaraan,wala ring hinaharap.
“kung hindi tayo msasaktan sa una,
Hindi tayo matututong lumaban sa huli”

Isa pa sa panahon natin ngayon,
Hindi uso ang maging tanga,
At mangarap ng wala.
Katulad ko, isa lang ang pinapangarap ko sa buhay
Ang makatapos ng pag-aaral.
Ng sa ganoon, makaangat kami sa kahirapan,
At matulungan ko ang aking mga kapatid
Na makatapos sa kanilang pag-aaral.

WALA!!!ni FRENCY DUNGAN



"Paano kaya uunlad ang isang bansa kung mismong ang namumuno ay nagpapabaya??"

Lagi nating napapanood sa telebisyon na ang sabi na mga nasa posisyon na na-meet daw ng ating bansa ang kanilang ekspekteysyon...(kahit hindi naman)
ang sinasabi tuloy ng iba "nang-uuto lang yan!!!"Kasi naman walang nangyayari o kahit pagbabago nga ay di natin maramdaman!!!
Tapos ang sabi may solusyon daw ang kahirapan at nabawasan daw umano ang kunsomisyon...kaya ayun puro selebrasyon!!!Mga salaping sa halip ay ipamahagi sa mga mahihirap at lubos na nangangailangan,winawaldas nila sa kawalan!!!

Bakit kaya ganun??Sila'y binoto at pinagkatiwalaan,hindi rin pala nila kayang panindigan..Puro pangakon napapako..Kaya wala ng naniniwala kasi wala naman talagang napala diba??
Sa panahon ngayon,iniisip ko,meron pa kayang tao na kayang mamuno ng walang kahalong kurapsyon??Sya na kayang Magpaunlad ng ating bansa??

Sana nga meron pa kasi nauubusan na ko ng pag-asa at para sa'kin ay..
WALA NA!!

Friday, September 4, 2009



“Pag-ibig”
(sa tama at di tamang panahon)

Pag-ibig? Ano nga ba ang pag-ibig? Ito ay may maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay ng kakaibang ligaya. Ito ay isang malalim na pagtingin sa isang tao. Minsan mahirap ang mapunta sa ganyang kalagayan, may mga taong nagiging masaya dahil dyan pero kadalasan lahat sila nasasaktan. Masakit yun, dahil minsan din sa pag ibig maramin kang isasakripisyo, at dahil dyan maraming pwedeng mawala sayo, sa madaling salita ay nasa dalwa lang, pwedeng lumigaya ka, pwedeng masaktan ka. Puso mo lang ang siyang makakapagdikta o siyang magsasabi kung sino ang karapat dapat mong mahalin. Pero nasa iyo kung sinong pipiliin mo, kaya dumadating sa panahon na pwedeng ang magulang mo ang isa sa mga hadlang na yon. Kelan ba masasabing nasa tama at di tamang panahon ang pagmamahal?

Nasa tamang panahon ang pagmamahal kung alam mo sa sarili mong handa ka na. yung tipong handa ka nang maranasan ang lahat, ang masaktan, ang magbigay, magparaya at ipag laban sya. Nasa tamang panahon ka na ng pagmamahal kung mismong magulang mo humihikayat ka na para sa bagay na ito. Bago pumasok sa isang relasyon dapat nagpag-isipan mo na ito ng maraming beses..ngunit alam naman natin na bigla bigla nalang dumadating ang pag ibig diba? Sa sitwasyon na yon dapat alamin natin ang limitasyon natin. Hindi lahat pwedeng ibigy. Mas marapat mong mahalin ng higit ang sarili kaysa sa kanya, dahil hindi mo hawak ang mundo nya lalong lalo na ang pagkatao nya dahil darating at darating ang panahon na masasaktan ka. Dipende nalang sayo kung pano mo pang hhawakan, kaya dapat maging matatag at paganahin ang utak ng mas madalas kaysa sa puso. Di masamang magmahal, dapat lang totoo ka at marunong magpahalaga. Mahalin mo siya at mahalin ka nya. Yon lng sapat na.

Ibibigay Ang Langit Sayo Ni: John Adrian T. Fuentes


Ibibigay Ang Langit Sayo


nangmakilala ka ikaw ay nag bigay saya tahimik kong mundo kumulay at biglang sumigla ang pag
ibig na hatid ng hangin kusang dinala ang pagmamahal na inalay mo sanay wag mag iba ang pag asa sa tadhana ay minsan nangangamba na baka ikaw
kusang mag bigay lungkot sakin mata mga hirap at pasakit minsan ay limot kuna ikaw at ikaw lang gusto ko makasama sa habang buhay sana nga ay tayu ng dalawa hindi ko sasyangin ang pag ibig na alay mo sakin lahat ay gagawin lahat ay gagawin

ibibigay ang langit sau mga bituin at araw ang lahat ng itoy gagawin para lang sau ako ang ilaw mo sa dilim init mo kapag tag lamig lahat ng ito para sau

pano pa ba sa mundong ito mabubuhay kung katulad mo sa piling mo mawawalay gustuhin ko mang hawakan ang iyong mga kamay
malaking hadlang sating dalawa ang syang nag hihintay
nani wala ko pero sau handa kong
ibibay isugal ang lahat kasama kita walang kasama tuluyan mag bago lungkot sa akin mga mata
araw araw nga eh pupunasan ng
sabay walang hanggana ang pag ibig na ibinigay sanay dinggin ang
awitin nato ay para satin lahat
ay gagawin

sakali mng lumisa aywag m0ng limutin
pag ibig nah pinadama mo para skin
maghihintay na lng ako na yong ibigin,
awitin na to ay para lng sau

PAMANA by Mary grace Ernas



“Edukasyon ang tanging kayamanang maipamamana ko sa aking anak…”

Ang salitang karaniwang naririnig natin sa isang magulang. Tunay ngang napakasarap ng pakiramdam ng isang magulang ang mapagtapos ng pag-aaral ang kanilang anak sapagkat dun nila nakikita ang bunga ng kanilang pinagpaguran. Marami sa mga narinig ko na ay napagtapos nila ang kanilang anak sa pamamagitan ng pagtitinda lamang ng gulay, isda, prutas o sari sari. Kamangha mangha din ang sipag ng isang magulang na napagtapos ang anak sa pamamagitan lamang ng paglalabada, pamamalantsa, o pagiging kasambahay. Minsan pa’y narinig ko rin ang isang ina na nagsabi na “kahit ano y gagawin ko maigapang ko lang ang pagaaral ng anak ko.” Napakasarap na magkaroon ng magulang na ang tanging layunin sa anak ay ang kagandahan ng buhay.

Napakaswerte ng isang estudyanteng sa bulsa ng magulang nanggagaling ang pambayad ng matrikula..Meron kasing iba na habang nagaaral ay nagtatrabaho din.Konting oras ang kanilang pahinga.Aral sa umaga trabaho sa gabi.Kaya sa mga kabataang nagaaral tayo’y magsipag, ibuhos natin an gating atensyon sa pagaaral. Huwag tayong maging tamad at iasa na lamang natin ang ating kabuhayan sa iba o sa ating magulang. Huwag nating pangarapin na maging tambay na lang sa isang kanto at maging si JUAN TAMAD Habang buhay…

Kaya kapwa ko estudyante nawa ay pagbutihin natin ang pagaaral. Maging inspirasyon tayo sa ibang walang tsansang makapagaral.
Iwasan ang mapatangay sa gawaing makamundo. Sa halip ituon natin ang ating atensyon sa pagaaral sapagkat ito lamang ang susi sa magandang kinabukasan. At ng masuklian natin ang hirap ng ating magulang para mabigyan tayo ng napakagandang pamana..

Thursday, September 3, 2009

Sino and dapat sisihin?..ni Erika Mae C. Ferrer








SINO ANG DAPAT SISIHIN?

Sa paghihirap ng mamamayan, sino ang dapat sisihin ? Ang TAO o ang PAMAHALAAN? Ang ganitong sitwasyon ay naganap na mula pa noong tayo’y sakop ng mga dayuhan. Kay raming hirap, pagtitiis, pakikibaka ang nararanasan ng ating ninuno.


Habang nabubuhay tayong lahat may pag-asa tayong makamtan ang ating mga pangarap at mithiin sa buhay. Nais ba talaga ng bawat isa na umunlad? Bakit sa panahon natin ngayon habang tumatagal, ang mahihirap ay lalong naghihirap? Tuluyan ng nawala ang disiplina ng bawat isa. Patuloy na lamang tayo naliligaw ng landas na tinatahak. Ang ilan sa atin ninais pa ang buhay na walang katuturan. Ang pagiging tambay hindi lamang ng mga kabataan kundi pati na rin ng mga matatandang may kakayahang magtrabaho. Tama bang danasin ang ganitong klase ng pamumuhay? Malimit sa mga kabataan ngayon, uso ang salitang “PMA” o ang “Pahinga muna anak”. Paano na ang edukasyon, di ba ito ang paraan upang umunlad ang ating pagkatao at gayundin ang ating buhay?. Marami sa mga lansangan ang mga pulubing patuloy na lamang umaasa sa ibang tao. Bakit pa sila nagtitiis sa kalagayan nilang iyon, dulot ba ito ng sobrang kahirapan? Kailangan bigyan natin ng halaga ang ating pagkatao. Ipakita natin na kaya nating mabago ang bagay na patuloy na nagpapagulo sa ating buhay. Sa kabilang dako, marami pa rin ang mga kabataang nagnanais na makapagtapos ng pag-aaral. Hindi hadlang ang kahirapan ng buhay. Natutugunan nila ito dahil sa mga oportunidad tulad ng pagiging iskolar at pagiging “working student”.
Ang ilan sa kanila ay kahit sa musmos na edad ay nagagawang makapaghanapbuhay para lamang makatulong at matupad ang layunin sa buhay.


Sa ating pamahalaan, lahat ba ay masasabi nating nagseserbisyo ng totoo? Sa una , maraming mga pangako ang mga naririnig tuwing eleksyon. May mga nangyayari ba kapag ang iba sa kanila ay may posisyon na? Siguro oo, ngunit hindi lubos na natutupad, patuloy na lamang tayo umaasa sa wala. Ang bawat responsibilidad ay dapat panindigan at bigyang halaga dahil dito nakasalalay ang ating kinabukasan. May ilan din ang mga patuloy na nang-aabuso. Ang mga isyung pangkukurakot, pagkamkam ng lupain at pambubusabos. Sariling kapakanan lamang nila ang kanilang iniisip. Ipinapakita lamang nito na malaya na nila nagagawa ang lahat ng kanilang gusto dahil sila’y may kapangyarihan na. Ngunit hindi lahat ay ganito, mayroon pang mga opisyal ang malaki ang naitutulong sa atin. Sila ang kaagapay natin sa pagpapatupad ng mga batas at layunin upang mapaunlad ang bawat isa. May mga programang ipinapatupad ang pamahalaan na tumutulong sa atin upang magkaroon ng mga pagbabago sa mga maling sistema. Tunay na hindi madali ang pagkakaroon ng isang posisyon na magsisilbing sandigan ng bawat mamamayan.

Tandaan natin na ang bawat isa ay may pananagutan sa isa’t-isa. Tungkulin ng tao na kumilos at gumawa para sa ikagaganda ng kanyang buhay at tungkulin ng pamahalaan na bigyang proteksyon ang mga nasasakupan nito.



















<big sis
NASAAN NA SI JOSE
NA NAGMAMAHAL SA BAYAN?
Chatting Pictures, Images and Photos

ni:Joy Clinton A. Babaan

“Mamamataay man akong di nakikita ang maningning na pagbubukang liwayway ng aking inang bayan ,kayong makakakita salubungin nyo sya at wa kalimutan
ang mga nabuwal sa karimlan ng gabi.” Ito ay ang sinasabi ni ELIAS ng siya ay mamamatay na sa katapusan ng NOLI ME TANGERE.
Sinasabi dito na lagi nating salubungin ang pagbubukang liwayway ng ating bayan ng samasama ngunit nsaasn na ang mga nagmamahal sa bayan?
Philipine flag gif Pictures, Images and Photos

Gawain ba ng nagmamahal sa bayan ang mangurakot ng mangurakot, magsiraan, hindi magtulungan at sa halip ay magawayaway, magtapon kung saansaan at magisip ng masama sa kanilang kapwa?
Nasaan na si JOSE jose rizal Pictures, Images and Photos na nagmahal sa bayan ?
Marami tayong mga bayani na nagbuwis ng buhay upang makamtan naten ang kalayaan at demokrasya n gating bansa .
Huwag sana nating sayangin ang mga dugo at pawis na pinuhunan nila upang isilang muli ang bansang matagal nang natulog at nakulong sa kamay ng mapang-api.
Maraming nagsasabi na ang mga kabataan ngayon ay din a pagaasa nang ating bayan dahil sa mga krimen , bisyo at maling Gawain para sakin , nasa atin pa rin ang pagasa ng bayan. Nasan pa ba? Nasa ating mga lolo at lola o nanay at tatay na pareparehong palipas na?
Alam ko na marami parin sa mga kabataan ngayon ang pagasa ng bayan dahil sa ating talino at sipag sa pagaaral.pagkatapos ng mahabang ulan may pitong kulay na biglang susulpot na nagsisilbing tanda na may pagasa sa bawat pasakit kaya
KABATAAN kilos na!

Ang Kabataan ay Naliligaw na ng Landas ni Katherine Mae Aguilar


Bakit nga ba maraming kabataan ngayon ang naliligaw ng landas? Ano kaya ang kanilang dahilan kung bakit sila nagkakaganito?



Maraming kabataan ngayon ang naliligaw ng landas.Ang iba ay nalululong na sa ipinagbabawal na droga na sumisira sa kanilang kalusugan at kaisipan. Ang iba naman ay naaadik na sa pagiinom, paninigarilyo, at kung minsan pa nga’y sumasali sa mga walang kwentang grupo o fratenity. Madamidin mga kabataang babae ang nabubuntis at iniiwan lamang ng mga lalaking nakabuntis sa kanila.



Ang magulang ng mga ito ya hindi nila ginagabayan ang kanilang mga anak kaya napapariwara ang mga kabataan ngayon. Pinapabayaan lang nila ang kanilang mga anak na mag droga, manigarilyo, maginom at sumali sa mga fraternityna alam naman nila na ito’y makakasira lamang sa kanilang buhay.kaya ang ibang mga kabataang ito ay imbis na mag-aral sa paaralan, ay naliligaw nila ang kanilang buhay sa maling landas.



Dapat inaaksyonan din ito ng ating Gobyerno na pagtuunan din nila ng pansin ang ating kabataan na maituwid ang kanilang buhay. Ipahuli nila ang mga nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot na ipinagbebenta sa mga kabataan



Sa kalagayan ng mga kabataan ngayon ay masasabi kong maaaring walang kinabukasan ang ating bayan kung ganito karamihan ang mga kabataan ngayon.

Pag-ibig ano nga ba?at Saan nga Ba Nagmula? ni NiƱa Anne Basco


Marami sa atin ang hindi batid ang tunay na kahulugan ng salitang pag-ibig.

Ngunit saan nga ba ito nagmula?Paano ito nabuo? Sino ang unang nakadama nito? Ilang mga katanungan na gunugulo sa ating mga kaisipan.



Bawat tao na nabubuhay sa mundo ay nakadarama ng tinatawag nating pag-ibig. Pag-ibig sa kapwa, pag-ibig sa ibang bagay at higit sa lahat pag-ibig sa Diyos. Simula ng tayo’y lalangin ng Diyos doon natin naramdaman ang kanyang unang pag-ibig. Hanggang sa isakripisyo niya ang kanyang sariling buhay para sa ating mga kasalanan.



Maraming kahulugan ang salitang Pag-ibig ngunit para sa ating panginoon “Ang pag-ibig ay magandang-loob, hindi hinahanap ang kanyang sarili,hindi nayayamot. Hindi nagagalak sa kalikuan kundi nakikigalak sa katotohanan. Lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis. At higit sa lahat ang pag-ibig ay hindi nagkukulang kailanman.”



Tunay nga na wala ng makahihigit pa sa pagmamahal niya sa atin. Siya nga ang una at huli nating pag-ibig. Na magbibigay saya sa ating buhay kailanman.

Larawan ng Makabagong Kabataan ni Maria Casandra Dimaranan


Ako ay larawan ng makabagong kabataang Pilipino. Sa aking murang ugat ay nanalaytay ang dugong bughaw, marangal, magiliw at mapagmahal sa Diyos. Sa aking diwa ay nakatala ang ginagawang pakikihimok ng mga nauna sa akin. Paghihimok upang makamit ang layong hangad ng bawat bansang mapagmahal sa dangal ng lahi. Sa aking gunita ay naroon ang hirap tiniis ng maraming ina , nang ang kanilang mahal ay maghandog ng buhay matamo lamang ang ginhawang dapat madama ng bayang nais lumigaya. Sa taimtim,walang pagkukunwari,dalisay. Ang aking mga bisig ay matipuno at nasa lupa ng aking bayan. Sa aking balat nakatatak ang lupa. Kayumanggi ang kulay,sunog na araw ngunit may gintong kislap ng pagasa. Ako ang nagtataglay sa aking katauhan ng tatak makabagong kabataang Pilipino.

Naparito ako upang gunitain ang nakaraan ng aking pagkatao. Kung paano ko narating ang kinalalagyan ko ngayon na maituturing na pedestal ng karangalan. Kung papaano ko nalinang sa aking isipan na ang bayan ko mahalagang pook na tagpuan ng mga kaisipan. Kung paanong ako ay maituturing na biyaya ng makabagong panahon.

Ako ang kabataang Pilipino ay nakiisa upang mapabilang sa mag-anak na Pilipino. Hawak-kamay kaming bumangon upang tumulong sa tagumpay ng kinabukasan. Salamat sa pakikiisang ito at nagbagong-bihis ang perlas ng silangan. Salamat sa pakikiisa ng puso sa puso at diwa sa diwa, ng mag-anak at ako ay naging ganap na makabagong Pilipino na may dangal sa Silangan.