Friday, September 4, 2009

PAMANA by Mary grace Ernas



“Edukasyon ang tanging kayamanang maipamamana ko sa aking anak…”

Ang salitang karaniwang naririnig natin sa isang magulang. Tunay ngang napakasarap ng pakiramdam ng isang magulang ang mapagtapos ng pag-aaral ang kanilang anak sapagkat dun nila nakikita ang bunga ng kanilang pinagpaguran. Marami sa mga narinig ko na ay napagtapos nila ang kanilang anak sa pamamagitan ng pagtitinda lamang ng gulay, isda, prutas o sari sari. Kamangha mangha din ang sipag ng isang magulang na napagtapos ang anak sa pamamagitan lamang ng paglalabada, pamamalantsa, o pagiging kasambahay. Minsan pa’y narinig ko rin ang isang ina na nagsabi na “kahit ano y gagawin ko maigapang ko lang ang pagaaral ng anak ko.” Napakasarap na magkaroon ng magulang na ang tanging layunin sa anak ay ang kagandahan ng buhay.

Napakaswerte ng isang estudyanteng sa bulsa ng magulang nanggagaling ang pambayad ng matrikula..Meron kasing iba na habang nagaaral ay nagtatrabaho din.Konting oras ang kanilang pahinga.Aral sa umaga trabaho sa gabi.Kaya sa mga kabataang nagaaral tayo’y magsipag, ibuhos natin an gating atensyon sa pagaaral. Huwag tayong maging tamad at iasa na lamang natin ang ating kabuhayan sa iba o sa ating magulang. Huwag nating pangarapin na maging tambay na lang sa isang kanto at maging si JUAN TAMAD Habang buhay…

Kaya kapwa ko estudyante nawa ay pagbutihin natin ang pagaaral. Maging inspirasyon tayo sa ibang walang tsansang makapagaral.
Iwasan ang mapatangay sa gawaing makamundo. Sa halip ituon natin ang ating atensyon sa pagaaral sapagkat ito lamang ang susi sa magandang kinabukasan. At ng masuklian natin ang hirap ng ating magulang para mabigyan tayo ng napakagandang pamana..

2 comments:

  1. hMmPf aNg gAndA nG tALumPaTi mOh
    nKKatOucH tLagA
    nKkrELaTe xA
    hEhE
    kEeP uP tHE gOOd wOrk... Read more
    -imEeLyn LibUiT-24
    emO_evOl@yahoo.cOm
    aDD nYo kOh
    01 September at 21:33 ·

    ReplyDelete
  2. HAY NPKAGNDA NG TALUMPATI NA GWA MO.NK2LONG PUH XA SKIN S K2LAD Q NA NAIS MKPG ARL,,UN LNG MGNDA TLAG SUPER
    fatima gadon
    crying_guardian@yahoo.com
    add nyo

    ReplyDelete