Wednesday, September 2, 2009

Ako ay ako by Jelyn Cabantog



AKO AY AKO
ni: Jelyn Cabantog

Ako ay ako na patuloy lumalaban at patuloy din na magiging matatag sa lahat ng pagsubok.
Ako’y simpleng tao lamang ngunit makulit, masiyahin , mapagkakatiwalaan at tutulong sa tuwing inyong kinakailangan, ngunit matinik kapag iyong kinalaban.

Ako’y isang tao na may iisang puso at paninindigan, kahit iisa ang aking puso ito’y dumadami sa tuwing kinakailangan lalo na sa mga taong pumukaw at nagmahal sa isang ako, asahan mo isa ka sa pinaka swerteng tao dahil ang isang ako ay may malinis at ginintuang puso.

Salamat sa aking mapagmahal na diyos, salamat sa aking mga magulang na patuloy na nagmamahal at walang sawang pagsuporta, sa aking mga kaibigan, salamat sa masayang alaala na binabahagi ninyo sa akin at sa pinakamamahal ko, salamat sa pagbuo ng mga pangarap ko, sa pagpapatuloy na pagbibigay ng lakas at pagmamahal.
Ako ay ako na patuloy na magiging ako. tuwing kailangan mo ang aking puso at kalooban ay bukas para sa iyo.

No comments:

Post a Comment