Monday, September 7, 2009

Joyra Ablir


KAIBIGAN,PAG-IBIG ATBP;”



Pakiramdam ko talunan ako, sa lahat ng bagay
Pagdating sa paghanap ng kaibigan,pag-ibig atbp.

Oo nga’t marami akong kaibigan
Pero sa una lang ang lahat ng ‘yon
Habang tumatagal,ay nawawala rin sila
Pa ulit-ulit ko mang isipin,
“Meron ba kong nagawang mali?”
Gusto ko mang sisihin sarili ko,
Pero wala talaga kong maisip na dahilan,
Isa lang nasa isip ko,
Siguro ay ayaw lang nila talaga sa ugali ko.
Hindi ko sila masisisi.
Dahil “kung ano ugali ko sa una,
Ay hindi ganon ang ugali ko hanggang huli”.

At sa pag-ibig hindi lahat tayo
Nararanasan lahat ang maging masaya.
May pagkakataon na,
Nasasaktan rin tayo.
Pero huwag nating iisiping,
Nagmahal tayo ng tahttp://www.blogger.com/img/blank.gifong walang halaga.
Dahil kung wala ang nakaraan,wala ring hinaharap.
“kung hindi tayo msasaktan sa una,
Hindi tayo matututong lumaban sa huli”

Isa pa sa panahon natin ngayon,
Hindi uso ang maging tanga,
At mangarap ng wala.
Katulad ko, isa lang ang pinapangarap ko sa buhay
Ang makatapos ng pag-aaral.
Ng sa ganoon, makaangat kami sa kahirapan,
At matulungan ko ang aking mga kapatid
Na makatapos sa kanilang pag-aaral.

1 comment:

  1. May aral kang matutunan subalit mas maganda at may halaga ito kung hindi ka lamang kumukuha ng impormasyon mula sa iyong karanasan,Maaaring sa pamamagitan na pagtatanong at pagbabasa.......


    Armilyn Oliveros
    BSOA I-A

    ReplyDelete