Thursday, October 1, 2009

Ala-ala ng Masayang Barkadahan

Ala-ala ng Masayang Barkadahan
ni Benjie D. Maurin

"Lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas. .
ngunit ang isang magandang pinag samahan ay hindi
kayang burahin ng panahon. . "


Sa eskwelahan nagsimula ang lahat, dito nabuo ang magandang pagka
kaibigan.Magkama sa lahat ng mga kalokohan at maging sa lahat ng problema.
Bawat isa ay kapatid ang turingan,nagtutulungan sa lahat ng bagay.Sa masayang barkadahan minsan di maiwasan ang pagkakaroon ng pagtingin sa isa't isa at pag amin sa itinatagong pag-ibig na nararamdaman.At minsan di rin maiwasan ang pagkakaroon ng tampuhan,ngunit alam nyo ba na ang barkada pa rin ang gagawa ng paraan upang maayos ito.At kung may masaktan man ang isa sa kanila,laging nandyan ang barkada upang icomfort ka. Kaya nga maraming "thank's kaibigan" sa "ala-ala ng masayang barkadahan".

Tuesday, September 8, 2009





Ito ay isang bagay na hindi inaasahan.minsan hindi mo akalaing dadating sayo.




Sabi ng iba masaya umibig lalo na kung mahal ka rin ng taong mahal mo.pero hindi laging masaya,dahil kung minsan hindi kayo parehas ng nararamdaman.pero kung nabigo ka sa una,wag kang malungkot,kasi may dahilan naman kung bakit.siguro ay hindi talaga kayo para sa isa't isa.





Minsan ito ay nagsisimula sa simpleng "hi"'hello"tapos magbibiruan,hanggang sa lumalim ang pagiging close,hanggang sa mahulog sa isa't isa.hanggang sa pumasok sa isang relasyon.may iba nagiging masaya hanggang sa huli.pero hindi lahat.pero ating tatandaan na ang totoong pag-ibig ay nakakapag hintay.

PAG-IBIG

Ito ay isang bagay na hindi inaasahan.minsan hindi mo akalaing dadating sayo.




Sabi ng iba masaya umibig lalo na kung mahal ka rin ng taong mahal mo.pero hindi laging masaya,dahil kung minsan hindi kayo parehas ng nararamdaman.pero kung nabigo ka sa una,wag kang malungkot,kasi may dahilan naman kung bakit.siguro ay hindi talaga kayo para sa isa't isa.





Minsan ito ay nagsisimula sa simpleng "hi"'hello"tapos magbibiruan,hanggang sa lumalim ang pagiging close,hanggang sa mahulog sa isa't isa.hanggang sa pumasok sa isang relasyon.may iba nagiging masaya hanggang sa huli.pero hindi lahat.pero ating tatandaan na ang totoong pag-ibig ay nakakapag hintay.

TAGUMPAY TAYO






Likhang magandang araw sa inyong lahat. Isang pagbati at hatid kong maaliwalas na umaga/tanghali/hapon sa lahat. Likas na mabuti ang diyos sa pagbibigay ng lakas ng loob at sapat na karunungan upang maging isang indibidwal na tagapagsalita at amulat ang inyong kaisipan na lahat tayo ay tagumpay.




Nilalang tayo ng diyos upang gamitin ang ating buhay ayon sa iba't-ibang aspeto nito. Ito ang pagsigaw at pagbato ng hamon sa bawat isa . Paano nga ba tayo uunlad, matatamo ang katagumpayan at kasaganahan?. Ibig kong kumulos tayo at sabay sa panahong imulat ang kaisipan sa pagbato ng hamong ito.



Hindi hadlang ang kahirapan upang maabot anag katagumpayan , bagkus isiping ito ay bahagi upang maabot at matamo ang tagumpay. ayon nga sa mga bitaw na salita "HINDI KASALANANG MAGING MAHIRAP, ITO AY KASALANAN KUNG MAWAWALA KA AT PAPANAW SA MUNDO NA MABABA ANG ESTADO NG BUHAY." Hindi rin naman magandang iangat ang sarili sa iba, sapat ng tagumpay ka, ngunit patuloy na nakatapak ang iyong paa sa lupa at patuloy na may pagkababa. Ito ay magandang sangkap sa katagumpayan.



Pinanghahawakan natin ang susi sa pintuan ng katagumpayan. Mga baitang ng hagdan na tatapakan tungo sa tuktok ng tagumpay. Mga bintana na tulad ng pusong tuloy na nakabukas upang ibahagi ang natatamasa. At maging ang mga hardin na puno ng pamumulaklak ng kasaganahan at kauunlaran sa buhay.


"Isang pasasalamat sa mga matuwid na salita mula sa taong haharap sa KATAGUMPAYAN!"


MARAMING SALAMAT!!!!!

Monday, September 7, 2009

Joyra Ablir


KAIBIGAN,PAG-IBIG ATBP;”



Pakiramdam ko talunan ako, sa lahat ng bagay
Pagdating sa paghanap ng kaibigan,pag-ibig atbp.

Oo nga’t marami akong kaibigan
Pero sa una lang ang lahat ng ‘yon
Habang tumatagal,ay nawawala rin sila
Pa ulit-ulit ko mang isipin,
“Meron ba kong nagawang mali?”
Gusto ko mang sisihin sarili ko,
Pero wala talaga kong maisip na dahilan,
Isa lang nasa isip ko,
Siguro ay ayaw lang nila talaga sa ugali ko.
Hindi ko sila masisisi.
Dahil “kung ano ugali ko sa una,
Ay hindi ganon ang ugali ko hanggang huli”.

At sa pag-ibig hindi lahat tayo
Nararanasan lahat ang maging masaya.
May pagkakataon na,
Nasasaktan rin tayo.
Pero huwag nating iisiping,
Nagmahal tayo ng tahttp://www.blogger.com/img/blank.gifong walang halaga.
Dahil kung wala ang nakaraan,wala ring hinaharap.
“kung hindi tayo msasaktan sa una,
Hindi tayo matututong lumaban sa huli”

Isa pa sa panahon natin ngayon,
Hindi uso ang maging tanga,
At mangarap ng wala.
Katulad ko, isa lang ang pinapangarap ko sa buhay
Ang makatapos ng pag-aaral.
Ng sa ganoon, makaangat kami sa kahirapan,
At matulungan ko ang aking mga kapatid
Na makatapos sa kanilang pag-aaral.

WALA!!!ni FRENCY DUNGAN



"Paano kaya uunlad ang isang bansa kung mismong ang namumuno ay nagpapabaya??"

Lagi nating napapanood sa telebisyon na ang sabi na mga nasa posisyon na na-meet daw ng ating bansa ang kanilang ekspekteysyon...(kahit hindi naman)
ang sinasabi tuloy ng iba "nang-uuto lang yan!!!"Kasi naman walang nangyayari o kahit pagbabago nga ay di natin maramdaman!!!
Tapos ang sabi may solusyon daw ang kahirapan at nabawasan daw umano ang kunsomisyon...kaya ayun puro selebrasyon!!!Mga salaping sa halip ay ipamahagi sa mga mahihirap at lubos na nangangailangan,winawaldas nila sa kawalan!!!

Bakit kaya ganun??Sila'y binoto at pinagkatiwalaan,hindi rin pala nila kayang panindigan..Puro pangakon napapako..Kaya wala ng naniniwala kasi wala naman talagang napala diba??
Sa panahon ngayon,iniisip ko,meron pa kayang tao na kayang mamuno ng walang kahalong kurapsyon??Sya na kayang Magpaunlad ng ating bansa??

Sana nga meron pa kasi nauubusan na ko ng pag-asa at para sa'kin ay..
WALA NA!!

Friday, September 4, 2009



“Pag-ibig”
(sa tama at di tamang panahon)

Pag-ibig? Ano nga ba ang pag-ibig? Ito ay may maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay ng kakaibang ligaya. Ito ay isang malalim na pagtingin sa isang tao. Minsan mahirap ang mapunta sa ganyang kalagayan, may mga taong nagiging masaya dahil dyan pero kadalasan lahat sila nasasaktan. Masakit yun, dahil minsan din sa pag ibig maramin kang isasakripisyo, at dahil dyan maraming pwedeng mawala sayo, sa madaling salita ay nasa dalwa lang, pwedeng lumigaya ka, pwedeng masaktan ka. Puso mo lang ang siyang makakapagdikta o siyang magsasabi kung sino ang karapat dapat mong mahalin. Pero nasa iyo kung sinong pipiliin mo, kaya dumadating sa panahon na pwedeng ang magulang mo ang isa sa mga hadlang na yon. Kelan ba masasabing nasa tama at di tamang panahon ang pagmamahal?

Nasa tamang panahon ang pagmamahal kung alam mo sa sarili mong handa ka na. yung tipong handa ka nang maranasan ang lahat, ang masaktan, ang magbigay, magparaya at ipag laban sya. Nasa tamang panahon ka na ng pagmamahal kung mismong magulang mo humihikayat ka na para sa bagay na ito. Bago pumasok sa isang relasyon dapat nagpag-isipan mo na ito ng maraming beses..ngunit alam naman natin na bigla bigla nalang dumadating ang pag ibig diba? Sa sitwasyon na yon dapat alamin natin ang limitasyon natin. Hindi lahat pwedeng ibigy. Mas marapat mong mahalin ng higit ang sarili kaysa sa kanya, dahil hindi mo hawak ang mundo nya lalong lalo na ang pagkatao nya dahil darating at darating ang panahon na masasaktan ka. Dipende nalang sayo kung pano mo pang hhawakan, kaya dapat maging matatag at paganahin ang utak ng mas madalas kaysa sa puso. Di masamang magmahal, dapat lang totoo ka at marunong magpahalaga. Mahalin mo siya at mahalin ka nya. Yon lng sapat na.